ISANG TANONG
lifted from gmanews.tv's transcript of the show, isang tanong.
MIKE ENRIQUEZ: At ngayon ating iimbitahin na si Dr Martin Bautista para magpunta na dito sa hot seat para sagutin nya ang itatanong ng Kapuso nating si Mel Tiangco.
VTR INTERVIEW: DR BAUTISTA: Madalas po akong umiyak ’pag nakakakita ako ng malungkot at naiiyak na ako. At hindi po akong nahihiyang umiyak. Masarap din ang pakiramdam ng umiiyak paminsan minsan. Hindi naman po nakakahiyang umiyak eh.-- *luthien: sige iyak na*
MIKE: Sina Congressman Escudero naman at Congressman Zubiri, aanyahan ko pong pumasok sataing sound proof cubicle. Sila po ay magkakabit ng headset kung tawagin. Parang siguradong siguradong na hindi po nila na maririnig ang tanong. At hindi po rin nila maririnig ang sagot. Kaya Mel...
MEL: Salamat Mike. Ang aking isang tanong: Mas maganda po kayang gamitin ang pork barrel sa isang impact project no ng gobyerno, imbes na paghati hatian ng mga kongresista. Tulad ng nangyayari ngayon.
DR BAUTISTA: Kung maaari lamang po ngayon, kung magkakaroon po tayo ng countrywide assistance fund at mailalagay ko yung isang buong cheke sa pgh o sa up, o sa gawad kalinga, gagawin ko po yun. pero sa under the current setup hindi po natin magagawa yun. napakaraming pagkakataon upang makagawa ng katiwalian sa current setup. Sa aking palagay eh mas mahusay na tanggalin na natin itong tinatawag na pork barrel dahil nga mas nakakasama sa atin, we have to decrease the opportunities for our politicians to steal. We have to decrease the opportunities for our politicians to become dishonest. And in such a set up I don’t think it is still time for us to be able to be presented with an opportunity like this in a corrupt system and behave in a manner that will show integrity and honesty.
MEL: So ayaw nyo ng pork barrel. Dr. Bautista si Mr Pabico po, Alex ay meron din pong tanong sa inyo.
ALEX: Ano ang posisyon nyo sa panukalang batas na nais paluwagin ang pagaangkat ng mura at abot kayang gamot, gayong ang kapatid nyo ay isang abogado ng isang malaking pharmaceutical na kumpanya sa bansa na tutol sa batas na to?
DR BAUTISTA: ‘Yun pong kasing pagiimport ng gamot po halimbawa in India is not the answer to the problem. Ang pinaka-importante po kasi is we have to identify yung nga gamot na kinakailangan ng ating mga pasyente dito sa pilipinas. At sarili nating gawin sa atin halimbawa po sa high blood pressure. Ang ating inaangkat po sa ibang bayan ang tawag po ay.... Magagawa naman po natin ang hydro... dito sa Pilipinas. Ginagawa natin ito since 1950. Ang ... po sa India 40 pesos, kung gagawin po natin ang hydro.... Ang kahalagahan po nyan dito sa ating bayan ay dyes sentimos. Na ang kinakailangan po ay magkaroon po tayo ng pananampalataya sa kakayahan natin na gumawa ng sarili nating gamot. ’Wag na po tayong aasa sa import. ’Yun po ang nangyayari sa atin wala na tayo na ginagawa na produkto. Lahat pong ginagamit natin ay either ini-import natin o inuutang natin. Kinakailangan na mag-umpisa na po tayo
MEL: Marami pong salamat, Mr Bautista
DR: Salamat po
based from this transcript, i'm glad i didn't vote for him. i'm not really sold out dun sa sagot nya about importing meds from india. halatang-halata na may self-interest or conflict of interest pa rin and flawed yung reasoning nya for me.
lam ba ng mga tao na ang mga pharma na yan eh hinaharangan yung milk code na yan dahil sa makakalaban yung mga mahal na gatas nila? lam ba ng mga tao na ang isang P100-per capsule na antibiotic eh pwede mabili sa thailand na P8 per capsule lang? alam ba ng mga mambabatas na ang pobreng pinoy isa lang ang kayang antibiotic na bilhin eh ang reseta 7 days nya iinumin, 3x a day kaya lalo siyang nagkakasakit dahil hindi makabili ng wastong dosage?
hala sige. kampihan pa ang mga pharma na yan.
---
MIKE: Narito po ang unang tanong na nanggaling kay Nikki Coseteng. Dr, should OFW remittances be given better exchange rate? Di ba dapat mas maganda ang halaga ng piso sa halaga ng dolyar sa mga remittance ng mga OFW? Kasi ngayon ang rate po ng palitan ng piso sa dolyar ng ofw ay kaparehas lang ng rate ng iba pa. Doktor?
DR. BAUTISTA: Makasasama pa nga ho yun kung bibigyan natin sila ng magandang rate pero mas mahalaga po kasi kinakailangan ang priorities ng pamahalaan natin. We have to straighten it out, we have to continue to invest in education and in health. To make our overseas workers more competitive in a global economy. Ang nangyayari katulad ko po manggagamot na galing sa pgh napilitan na pumunta sa ibang bayan dahil wala naman pong kinabukasan dito sa atin. Nung pong 1989, nung pagbalik ko po dito 2006, mas lalong pa pong sumama ang ating bayan. Kinakailangan po na we have to make painful choices today. Umpisahan na po natin yun, magsama sama na po tayo to make investments in education and health care. One percent lang ang nilalagay natin in health care, 11% in education, 28% sa pagbayad ng utang natin. Interest pa lang ho ng utang yun. We have to make painful choices, we have to be together here.
like huuuuuuuwaaaaaaaaaaat? anlabo ng tanong, anlabo lalo ng sagot.
you just don't set up exchange rates that easily, stupid. there are so many economic factors at play there. hellloooooo! a senator cannot just say, "okay, let's make the peso P78 to the US$ so that our OFWs would have more money to send to the philippines." kelangan mag-enroll sa econ 11 ang mga ito.
MIKE: Marami pong salamat Dr Bautista. At susunod po na kukuha ng tanong po dito sa ballot box ay si kandidatong Miguel Zubiri, congressman. Ang tanong po na sasagutin nyo ay gawa po ni Atty Adrian sison ng partidong Kapatiran. Paliwanag nyo nga po ang inyong plataporma tungkol sa poverty alleviation, congressman
ZUBIRI: ’Yung poverty alleviation, alam mo galing ako sa Mindanao at nakikita po natin ang kahirapan po ng tao mga dyan, ng ating mga kababayan dyan. At isa po dyan ay kailangan ay bigyan po natin sila ng sapat na trabaho. Nakita ko na po yan sa Maguindanao nung nangyari na kung saan si Coco Paglas ng Maguindanao ay nagdala po ng napakagandang industriya ng export ng bananas sun sa kanilang mga ksaamahan kaya dahil dun ay nagkaron po ng tigil putukan sa Maguindanao at napakarami almost 11,000 jobs ang nabigyan po ni Coco Paglas dun sa area niya at yan din po ang dapat gawin natin sa iba’t-ibang areas sa ating bansa. Dapat magkakaroon po tayo ng job generation kung saan bibigyan po natin sila ng sapat na pagkakataon na buhayin muli ang kanilang pamilya at lalong umunlad ang ating bansa especially the rural areas nandun po yung biofuels, biofuels program pwede po tayong magtanim ng jatropa ng ethanol production, cassava, mais, ah tubo na gagamitin ni... meron na po tayong batas at ihahalo sa ating gasoline. These are…
surprisingly, zubiri makes more sense. nasurprise ako.
at nasurprise din ako dito:
MARITES: Magandang gabi ho. Mabilis ang paglaki ng ating populasyon. Mga 88 million na ngayon mula nang 77 million sa year 2000 at nawawala na ang mga libreng contraceptives na ibinibigay ng US AID next year. Ipaglalaban nyo ho ba na magbigay ang Department of Health ng line budget para sa mga contraceptives dahil natural family planning lamang ang ini-endorso ng Arroyo administration?
NIKKI: Napatunayan po na ang natural family planning ay isang bagay na hindi talaga natural para sa tao. At ah, kung tutuusin po natin yung laki ng populasyon, nandon ang nagbibigay ng napakatinding ahm mga iba pang problema sa lipunan at sa kapaligiran. At yung naniniwala na magmula sa murang edad pa lamang sa elementary hanggang high school dapat magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ating katawan, tungkol sa sex education. Hindi kailangan itong maging negatibo dahil ngayon ang mga bata nage-eksperimento dahil wala silang pinagkukunan ng impormasyon. Yung sinasabi nyong contraceptives, safe and modern methods of contraception, must be made available dahil ang estado ay may karapatan at may responsibilidad na pangalagaan ang ah kaayusan ng pamumuhay dito sa ating bansa. Yun responsible parenthood, pino-promote po yan pero kasama dyan dapat alam din ng mga magulang kung anong mga operatiba na ligtas.
i never thought somebody would publicly support family planning and go against the catholic church. nyahaha. tingnan na lang natin kung anong gagawin nila sa senado pag nakaupo na ang mga lintek na yan...teka, ano na nga ba rank ng mga to?
pero sa totoo lang kaya nawalan din ako ng drive para bumoto nung 14 kasi parang wala akong iboboto talaga sa mga candidates na yan. para bang jaded na ako. kainis. pare-pareho lang naman silang trapo que bata, que beterano pa.
sabi nga lang ni howie severino sa blog entry nya, dapat magpaubaya na lang daw ang mga journalists at wag na bumoto para di makita ang bias. haha. may magandang excuse na ako para di bumoto talaga. 
-- *luthien: sige iyak na*





