NIHAO TAIWAN PART 2
our trip to china airlines museum for me was -- should i sugarcoat it? itagalog ko na lang para di ako i-ban ng taiwan government (hehehe)...walang kwenta. ang tanging slightly interesting lang ay ito:

ang eating utensils in business and first class flights (kasi cute, wala ang PAL nito)...
at ito:

ang "beauty school" ng mga flight attendants nila. take note, mac cosmetics sila ha.
pero sa totoo lang, sayang lang oras dun. kaso syempre major sponsor yun kaya sige lang. mas gusto ko pa talaga magbrowse ng electronics kesa...oh well. ganyan talaga pag libre, me kapalit din pala. hahaha.
nga pala. i haven't told you guys that taipei -- or rather the whole country -- is a land of scooters. they're everywhere! ang kagandahan lang dito eh walang nakawan ng mga motor. unlike some country i know *ubo ubo*. malingat ka lang ng kaunti, wala na ang motor mo.


at wala masyadong arte mga motor nila. utilitarian talaga. and sabi nga ang population daw ng taiwan ay 23 million, ang scooters ay 12 million...if i got it right.
first day sa taiwan, kawawa ako wala akong makain kasi bawal sa akin ang karamihan ng naiseserve sa amin ni sassy lawyer. oo, pareho kaming allergic sa crustaceans. andami nun dun!

but dito pwede ako...

ang taiwanese, hindi kasing maalalahanin ng pinoy pagdating sa pagkain. yung tipo bang ang unang bati sa yo eh "kumain ka na?" at para bang mortal sin sa pinoy pag pinabayaan niya ang bisita nya na gutom.
kaya nung hapon na -- after a terrible lunch sa eroplano at tour ng kung anong museum -- kumakalam na mga tyan namin. nagpaparinig na nga mga kasama ko na uhaw at gutom na kami na kung pwede bili kami ng pagkain kungdi mamatay na kami sa init, gutom at uhaw. it took our host(s) a few hours bago maisip na, "uy, bili tayo ng makakain at maiinom sa 7-11."
sa gutom ko, ang kinuha ko agad sa chiller shelf ay eto:

cold noodles yan na may sauce na ewan. parang yan ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko nung araw na yun dahil sa gutom. NT$35 sya. on hindsight, di ko alam kung talagang masarap siya o baka nadaan lang ako sa gutom.
---
nga pala, may utang pa akong article about this trip sa dyaryo namin. still figuring out a way how to write a glowing article about my trip -- pang-lifestyle type ba.
kaso i have better things to do muna, like dodging the powers-that-may-be in our office. apparently, while i was away, they were brewing some nasty effing thing -- like transfering me to another beat which i don't like.
that was an understatement.
let me restate that: while they buttered me up with this junket trip, the management declared to the world that i would be transferred to the beat i abhor so much that last year i threatened to resign if i they would dump me there.
as of now, i'm still in the dodging phase. i would evade them for as long as i can until i figure out how to get out of that predicament.






