Wednesday, December 05, 2007

TOO MUCH?

my friends (well most of my readers are friends or releatives anyway) are probably wondering why i am not writing about the manila pen siege eh alam nila ako ang unang-unang magrereact sa mga ganyang bagay...somehow i find it hard to criticize anyone without being prejudiced or unbiased. i wouldn't add to the clutter in the blogosphere about it, probably thousands of bloggers have said their piece on the issue. let me just play the evil's advocate para maiba naman.

ang di ko lang maiexplain o maarticulate ng maayos is whether abs-cbn was overboard about the posas thing? ang hirap kasi kasama na ako sa industriya na kinukutya ng sangkatutak na blogs ngayon. hehe. ang masama pa nito minsan totoo.

like for example madaming nagsasabing mga blogs no one is above the law, even press IDs. i cringe at the thought. kasi nakakahiya man aminin, totoong maraming media men and women na feeling above the law porque me press ID when in fact it doesn't even mean a thing. madaming kilala ako at mga kaibigan na inilalabas lang nila press ID nila para di sila makasama sa coding o mahuli kahit totoong may traffic violations. na kesyo reporter me karapatan nang mang-away ng presidente ng isang kumpanya na me ari ng isang mall dahil hindi pinagbubuksan ng escalator dahil papasara na ang mall (pramis, totoo yan). araw-araw me mga pangyayaring ganyan. so masisi mo ba ako na kahit peryodista ako na naiisip ko din na mga kasama ko sa hanap-buhay eh abusado and akala mo kung sino? above the law baga.

pero sa kabilang banda, di ba sobra naman ang magposas eh for questioning nga lang daw? eh di ba pag naposasan ka ang connotation non criminal ka or you violated the law? at sabi pa ng katrabaho ko na involved sa isa sa mga dinala sa bicutan, pinag-"piano" daw sila sa ink for finger prints and may matching mug shots pa.

pero di ko rin masabi kung SOP yun pag "for questioning" o the police went overboard. mahirap magsalita nang hindi ko nalalaman ang facts. mahirap din kasi ang source ko lang ng impormasyon eh media, na bias din. i'm half libra; i make decisions and form opinions based on two opposing opinions and forces and weigh my options ergo dapat makuha ko din ang side ng kabila.

masasabi ko lang masyadong hysterical ang coverage ng ABS-CBN ng incident. syempre di ko masabi yun sa harap ng mga kilala ko at kasama ko sa trabaho, di ba? atsaka nga pala natatangahan ako mag-anchor talaga ke karen davila. naririndi ako sa kanya.

sabi naman ng isang colleague, ang isa sa mga real motivations bakit nagpapakabayani ang ibang reporters at nag-stay dun kahit pinalalabas na eh dahil sa takot ma-scoopan. tipo bang, "ha? di ako aalis andito siyete eh." or "andun dos? teka, teka susugod ako di pwedeng mawala ako." (di ako maysabi nyan ha!)

and of course, service to the nation. ehehehehe.

eh kasi ganun din naman kami minsan sa print eh. lalo na pag ang boss mo me binabantayan na particular na dyaryo...pag lumabas na dun, di na pwedeng lumabas sa inyo. or kelangan dapat mauna ka kesa sa kabilang dyaryo na binabantayan ng boss mo.

mas competitive sa wires. isang minuto lang ang diprensya nyo sa pagbato ng balita, issue na agad yun sa regional office (i.e. singapore or HK or japan).

so probably kaya may nangahas na mag-stay sa hotel eh dahil ayaw magpahuli sa balita. o sa kalaban. Cool

call me a wuss. di pa rin ako gumagawa ng critique of the event nor a call for protest.
Posted by luthien at 00:39:56 | Permanent Link | Comments (1) |
Comments
1 - actually procedure talaga ang damputin ang lahat ng tao whether involved sila or hindi, pati na rin yung plasticuffs.

I recall nagsimula ito sa states kasi may nangyari na isang akala nila hostage na biglang bumunot at nagpaputok. Tama lang talaga yung irestrain lahat ng tao sa crime scene at iverify ang lahat ng identities nila.

there's no way of knowing who's who sa mga ganyang bagay kaya ganyan ang procedure nila. Sabihin nating kilala si Ces Drilon, how about yung mga di kilalang personality sa media na nandun din? Equality lang, lahat kayo poposasan at idedetain for questioning whether sa malaking station kayo or hindi. Pati na rin ang kumpiskahin ang mga narecord nila for evidence. Notorious ang ibang media na mag withhold ng info, kaya dun pa lang kelangan kuhain na.

Kasalanan nila yun, nagbitaw na ng salita na wag silang pumunta dun dahil baka magkaron ng enkwentro, and yet nandun pa rin sila sa scene ng crime. Procedure dictates na iquestion ang lahat ng tao dun (Comment this)

Written by: Anonymous at 2007/12/11 - 00:25:56
Write a comment