Thursday, February 28, 2008

SWIMMING IN A BLACK OCEAN OF NOTHINGNESS

it's already 2 pm. i haven't written anything and i am not pretending. what's happening?

--

Other Half sent me this forwarded email which sums up the feelings of most pinoys in america. i guess this was written by someone who is tired of being a bank to his or her family members. or maybe he or she is just plain tired of vultures whenever the author comes home to the philippines. this is only a theory of mine. oh well, here goes the essay...
"Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.


Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses at mga guro, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan."

I don't know whether to feel sorry for the author of this essay or what. Tama naman siya sa sinasabi nya kasi eh. akala ng maraming pinoy na pwedeng gatasan na lang nila basta-basta ang mga kaibigan at kamag-anak nila na nasa america.

eh sa totoo lang naman kaya kahit sinong pontio pilato magkakabahay sa amerika nun (before the subprime mortgage crisis and the recession) kasi maluwag ang pautang sa bansang yun. kahit walang equity sige, pwedeng utangin 100% cost ng bahay na bibilhin mo kahit questionable ang kapasidad mong bayaran ang utang na yun, kahit na for 30 years pa ang term loan. and that started the subprime mortgage crisis that escalated into a global credit crunch.

di alam din ng mga pinoy dito kasi na ang mga tao dun nabubuhay sa utang kasi andaling mangutang. dito kasi (until last year) banks and other lenders are tight when it comes to that. they've somehow increased their loans portfolio now but still they demand equity from home buyers or they make sure that you can affod to pay your amtortizations for your car loan.

they're just being careful, in contrast to the lenders (subprime lenders) in america as one business article said.

anyway, point is hindi pinupulot ang pera sa amerika. lalo ngayon na life is tougher now with the recession (or looming recession or economic slowdown -- still under debate).

 

Posted by luthien at 12:57:16 | Permanent Link | Comments (2) |
Comments
1 - papabasa ko yan sa BF ko. lahat na kasi ng mga kapatid nya nasa US na. and they expect him (and naturally ako din!) to follow. and gusto din nya. as if be all and end all ng buhay nila is working in the US. kakabadtrip din minsan kasi ayoko talaga. and parang ako lang ata ang nagpipigil sa kanya na sumunod sa kanila. di naman daw sya pupunta dun if di ko gusto, pero wish ko lang wag nila masyado idikdik sa utak nya na sa Amerika lang dapat hahantong ang lahat.

Crim (Comment this)

Written by: Anonymous at 2008/03/03 - 11:20:01
profile
2 - tama ka dun, pabasa mo yan. kasi at least dito may panahon ka makipaghuntahan sa mga kaibigan mo (well ako di masyado because of the nature of my job). principle ko eh; if you can afford it, stay in the philippines. if you really need to send your siblings to school/support your family then go there and work. but i am leading a comfortable life here so... (Comment this)

Written by: luthien at 2008/03/03 - 22:32:29
Write a comment